-- Advertisements --

Sa wakas nakapagtala na rin ng unang panalo ang Los Angeles Lakers ngayong bagong season ng NBA matapos ang limang sunod-sunod na pagkatalo.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagpabaya ang mga Lakers superstars kung saan nagsama ng puwersa sina LeBron James na may 26 points at si Anthony Davis na nagdagdag ng 23 upang iposte ang 121-1110 victory laban sa Denver Nuggets.

Hindi rin naman nagpahuli si Russell Westbrook nang tumipon ng 18 points.

Bago ang panalo kanina, ang Lakers ang huling team sa NBA na bokya pa rin.

Sa panig ng Denver (4-3), nasayang ang diskarte ng reigning MVP na si Nikola Jokic na nagpakawala ng 23 points habang si Jamal Murray naman ay nagdagdag ng 21 puntos.