-- Advertisements --

Balik na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111.

Kung maalala dalawang games din na nawala si LeBron habang inabot naman ng 18 games na hindi nakalaro si Davis dahil sa mga injuries.

Bagamat umiskor ng 38 points si James at 23 points naman si Davis, hindi pa rin ito naging sapat nang mag-collapse ang team sa huling sandali.

Nahabol kasi ng Pelicans ang kalamangan ng kalaban hanggang sa sumablay na ang mga crucial na tira nina LeBron at Russel Westbrook sa huling sandali.

Namemeligro ngayon ang kalagayan ng Lakers (31-46) na umabot kahit sa play-in tournament matapos malaglag sa pang-11 puwesto sa Western Conference.

Sa ngayon meron na lamang silang limang games na nalalabi at dapat ipanalo nilang lahat ito.