-- Advertisements --
Umakyat ang lebel ng tubig sa Angat Dam bunsod ng malakas na pag-ulan na dulot ng Bagyong Quinta.
Nitong umaga, sinabi ng Pagasa na ang water level sa Angat Dam ay umakyat sa 198.80 meters mula sa 194.10 meters na naitala kahapon, Oktubre 26.
Lagpas na ito kumpara sa minimum operating level ng naturang dam na 180 meters lamang.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan bunsod ng Bagyong Quinta, binuksan ng Ibo, Binga at Magat Dam ang kanilang mga gates kahapon para magpakawala ng tubig.
Base sa kanilang forecast, sinabi ng Pagasa na isa hanggang tatlong tropical cyclones ang inaasahan nilang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Nobyembre, at dalawa hanggang tatlo pa sa Disyembre.










