-- Advertisements --
Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil na rin sa matumal na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ), nabawasan pa ng bahagya ang water level sa nasabing dam hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga kompara sa lebel ng tubig sa kaparehas na oras kahapon.
Nauna nang sinabi ni Analiza Solis ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, na nangangailangan ng 900 hanggang 1,000 millimeters ng ulan ang Angat Dam sa loob ng isang buwan para maitaas ang lebel ng tubig nito.
Subalit nitong Oktubre ay 29 mm lamang ang natipong tubig ng Angat Dam na siyang dahilan ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig.










