-- Advertisements --
Tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam nitong araw dahil sa mga pag-ulan kamakailan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, sinabi ng Pagasa na ang water level sa Angat Dam ay nasa 174.13 meters, o 1.82 meters na mas mataas kumpara sa 172.31- meter water level na napaulat kahapon ng umaga.
Bukod dito, bahagyang tumaas din ang lebel ng tubig sa iba pang mga dams sa bansa, kabilang na ang La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Caliraya Dam.
Samantala, nagkaroon naman ng bahagyang pagbaba ng lebel ng tubig sa Ipo Dam at Magat Dam, ayon sa state weather bureau.