Pumanaw na si Mark Sheehan ng kilalang banda na The Script ngayong araw.
Ito ay kinumpira mismo ng banda sa kanilang social media account.
Si Sheehan ay ang co-founder at lead guitarist ng nasabing banda noong 2001, kasama ang lead singer na si Danny O’Donoghue at drummer na si Glen Power.
Siya ay binawian ng buhay sa loob ng ospital dahil sa kanyang hindi tinukoy na sakit.
Kilala ang Irish band sa mga hit gaya ng “The Man Who Can’t Be Moved,” “Breakeven,” “Hall Of Fame” at “Six Degrees of Separation” na talaga namang nagpasikat sa kanila.
Kung matatandaan, bumisita ang grupo sa Pilipinas noong nakaraang taon para sa “The Script Greatest Hits Tour 2022” concert noong buwan ng Setyembre.
Sa kasalukuyan, ang pamilya ni Sheehan ay humihingi ng privacy para sa sa kanilang pagluluksa.