-- Advertisements --

Pinatawan ng $1-milyon na multa ng Association of Tennis Professionals (ATP) ang Lawn Tennis Association dahil sa pinagbawalan nila ang mga manlalaro ng Russia at Belarus na makapaglaro sa grass-court events.

Ang nasabing pagbabawal ay dahil sa ginawang pagsakop ng Russia sa Ukraine.

Binalaan din nila ito na kanilang tatanggalin ang ATP membership ng LTA kapag inulit nila ang hakbang sa susunod na taon.

Labis naman na nagulat at nalungkot ang LTA at inakusahan ang ATP na walang ipinapakitang awa sa mga nagaganap sa Ukraine.

-- Advertisement --

Magugunitang pinagbawalan na maglaro ang mga lalaking tennis players ng Russia at Belarus sa Wimbledon dahil sa ginawang paggiyera nila sa Ukraine.