-- Advertisements --

Isasagawa na raw bukas ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto.

Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting.

Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi.

Una rito, bago ang nakatakdang full cabinet meeting ay magsasagawa muna bukas ang kasalukuyang administrasyon ng Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sinabi ni Andanar na sa naturang aktibidad, lahat daw ng sangay ng gobyerno ay magbibigay final report sa publiko kung ano ang mga nagawa ng administrasyong Duterte.

Sa Hunyo 30 ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte at papasok na ang administrasyon ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.