-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- patay ang isang mekaniko matapos na bumangga sa isang street light ang minamanehong motorsiklo sa barangay San Felipe, Ilagan City

Ang nasawi ay si James Umayam,30 anyos,may asawa, residente ng barangay Lapogan, Tumauini, Isabela at kasalukuyang naninirahan sa barangay Bliss Village, City of Ilagan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad mabilis na binabagtas ni Umayam ang basang kalsada patungong City proper ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabangga nito ang isang street light.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ang biktima ng malubhang sugat sa katawan at idineklarang dead on arrival sa pagamutan ng kaniyang attending physician.

Lumalabas pa sa pagsisisyasat ng mga otoridad na lango sa nakalalasing na inumin si Umayam ng masangkot sa aksidente.