BUTUAN CITY – Tutulungan ng Butuan CIty Police Office ang pamilya ng lalaking bingi na namatay matapos tumalon mula sa patrol car ng Butuan City Police Station 4 nang ito’y ikinarga para sana sa safe-keeping nang ito’y naugnay sa disgrasya dakong alas-8:30 nitong nakalipas na gabi.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police Station 4 Commander Captain Michael John Arandia na rumesponde lamang sila sa police call kaugnay sa aksidenteng naganap sa Purok 3, Brgy. Cabcabon kungsaan naka-angkas ang biktimang si Raymond Dumanon Cabalde, residente ng Purok 8, Brgy. Maug nitong lungsod sa driver ng motorsiklo na si Joper Gomez, 48-anyos, may asawa at taga-Purok 15, Alviola Village, Brgy. Baan Km 3 nitong lungsod matapos nitong bundulin ang 48-anyos na ginang na si Juanita Doongan, residente sa lugar na pinangyarihan.
Unang dinala sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang driver ng motorsiklo at dadalhn na sana sa Butuan Medical Center ang nabundol na ginang.
Nang makita ng mga pulis ang tumilapong pipi na nalamang lasing ay isinakay naman nito sa patrol car para sana sa safe-keeping ngunit pagsapit nila sa weigh bridge station sa Brgy. Ampayon ay bigla na lang itong tumalon sanhi ng kanyang agarang kamatayan.