-- Advertisements --

Tinaasan ng Land Bank of the Philippines ang kanilang lending program funding para sa mga transport cooperatives at corporations.

Ayon sa Land Bank na ginawa na nila itong P10 bilyon para makapag-comply ang mga transport cooperatives sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Ito na ang pangatlong beses na nagtaas sila ng funding na nagsimula noong sa halagang P1.5 bilyon.

Sa nasabing programa ay papayagan ang mga eligible na kooperatiba na makautang ng hanggang 95% ng total na acquisition cost ng modern Public Utility Vehicle.