LEGAZPI CITY – Sugatan ang magkakapatid na edad 8, 9 at 12-anyos matapos na pagtatagain sa Brgy. Lipata, Baleno, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Roque Danao, hepe ng Baleno PNP, sinasabing basta na lang pumasok ang suspek na si Henry Bello, 48-anyos sa bahay ng mga biktima at walang habas na pinagtataga ang mga bata.
Nagpasaklolo naman sa pulisya ang magulang ng mga biktima.
Subalit nang malapit na sa lugar ang mga pulis, nakarinig ang mga ito ng putok ng baril.
Nakabulagta na sa lupa si Bello nang maabutan ng mga otoridad at hindi pa tukoy ang motibo sa insidente.
Sinasabi namang may sakit sa pag-iisip ang nanaga.
Ayon pa kay Danao, nakilala umano ng anak ni Bello ang namaril na ngayon ay nananatiling at-large.
Samantala, nakalabas na ang dalawang bata sa ospital matapos na magtamo ng mga taga sa ulo, mukha, braso at likod subalit inilipat sa provincial hospital ang 12-anyos para sa kaukulang pagsusuri.










