NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Brgy. Ibabang Bagumbungan, Pagbilao Quezon.

-- Advertisement --

Kinilala ang lalaki na si Felix Villasotto 48-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office QPPO, sinasabing lasing umano ang suspek na si Reymundo Vinas 39-anyos ng bigla na lamang siya nitong pinagsasaksak.

Kaugnay nito, nagtamo ng malalang tama si Villasotto na agad namang dinala sa ospital para sa karampatang asistensya medikal.

Sa ngayon patuloy naman ang manhunt operations ng mga otoridad laban kay Vinas.