-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagpapagaling na ang isang lalaki matapos saksakin ng live in partner ng kaniyang kapatid sa Brgy Bone North, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Marvin Tomines, 43 anyos, magsasaka na residente ng Brgy Bone North, Aritao Nueva Vizcaya habang ang suspek ay si John Aeron Moralla alyas Aciong, dalawamput anim na taong gulang, tattoo artist na tubong Ramon, Isabela.

Batay sa report ng Aritao Police Station, bago pa man mangyari ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ng kaniyang kinakasama na si Gemma Bernales.

Ayon kay Bernales, dahil sa inis ay pinagtangkaan ng pinaghihinalaan na saksakin ang kapatid ng biktima na agad nakatakbo sa labas ng kanilang bahay.

Humingi umano ng tulong si Bernales kay Tomines ngunit ngunit ito ang napagbuntungan ng pinaghihinalaan at nasaksak ng dalawang beses sa dibdib at braso.

Agad namang naitakbo sa RHU Aritao ang bitkima ng kaniyang mga kapitbahay at kalaunay inilipat sa NVPH, Bambang habang ang suspek ay naaresto ng mga otoridad at mahaharap sa kasong frustrated homicide.