-- Advertisements --
Itinuturing na tunay na Taylor Swift fans sa buong mundo ang isang lalaki sa Pakistan.
Ito ay matapos na magtala siya ng world record sa pamamagitan ng pagkilala sa mga kanta ng singer.
Ang 20-anyos na si Bilal Ilyas Jhandir ay nakuha ang Guinness World record ng matagumpay niyang nasagutan ang 34 na titulo ng kanta ng singer sa loob ng isang minuto.
Pinahula lamang kay Jhandir ang kanta sa pamamagitan ng lyrics nito na mabilis naman nitong nasagutan.
Mula pa aniya noong 13-anyos ito ay nakikinig na ito sa kanta ni Swift.