CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Jamil Alinog na residente ng Habitat Subdivision Barangay Sudapin Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang bigla itong dikitan ng riding in tandem assassin at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon.
Agad dinala ng mga nagrespondeng tauhan ng Rescue 911 ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.
Narekober sa crime scene ng SOCO Team ang dalawang pakete ng shabu.
Sa ngay on ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.