-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Market View, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Boy Javines, 35-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang lulan sa isang motorsiklo si Javines nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang supek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na sinubukan pa sana ng biktima na tumakas ngunit hinabol pa rin ito ng suspek at pinagbabaril hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay.

Samantala, agad naman na nakatakas ang suspek sa hindi pa malamang direksyon matapos gawin an nasabing krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagkakakilalan ng suspek.