NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na makuryente sa Zone 1, Sto. Niño St., Brgy. San Felipe, Naga City.
Kinilala ang biktima na si Rogelio Flor Jr., 38-anyos, residente ng Zone 4, Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na habang nakatayo ang biktima sa likod ng cement pump truck kasama sila Edwards Ballon, 58-anyos, residente ng Zone 1 Sto Niño St. San Felipe, Naga City, Jeric Capal, at Engineer Nathaniel Uy, habang minamaneobra ni Sherwin Brecio ang hose ng truck papunta sa itinatayong bahay ng dumikit ito sa pirmary line wire ng CASURECO II at aksidente naman na mahawakan ng biktima ang hulihang bahagi ng nasabing sasakyan.
Dahil dito, na kuryente si Flor at nagtamo ng sugat sa kanyang katawan at nawalan ng malay.
Agad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal, pero ideneklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.