-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi na umabot sa hospital ang isang lalaki matapos itong makuryente sa loob mismo ng kanyang minamanehong sasakyan sa Velasco Compound Purok 7, Brgy. Bato, Toril Distrct nitong lungsod.

Kinilala ng otoridad ang biktima na si Dennis Abragan, 42 anyos, residente ng Brgy. Darong, Sta. Cruz, Davao Del Sur.

Sinasabing nakuryente ang biktima matapos umanong sumabit ang dump box sa livewire ng Davao Light and Power Company ang truck na minaneho nito.

Agad na nalagutan ng kanyang buhay ang biktima at kasalukuyang nakaburol sa isang lokal nga punerarya ng lungsod.