-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alyas Felix, 67 anyos, residente ng Barangay Quipot, Tiaong, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ni Jessa Robles, anak ng biktima ang wala nang buhay na katawan ng kanyang ama sa stockroom.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad naman na isinugod sa ospital si alyas Felix pero idineklara rin lang itong dead on arrival ng doktor.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.