NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Barangay Anibong Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reynold Bryan Bandejas Amandy, 26 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap umano ang kanilang himpilan ng tawag mula sa kay Barangay Captain Napoleon Miras ng Brgy. Anibong, sa nabanggit na bayan patungkol sa nangyaring pagpapatiwakal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nadiskubre umano ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang pinsan na si Denver Bandejas.

Huli namang nakitang buhay ang biktima habang inaalalayan ng kanyang pinsan pauwi sa kanilang bahay dahil sa kalasingan.

Samalatala, ayon naman sa salaysay ng ina ng biktima, mayroon umanong problema ang kanyang anak sa nobya nito, pero hindi na isinaad ang buong detalyes.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.