-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pumunta ng lamay ang isang lalaki mula sa Lungsod ng Iloilo patungo sa Tigbauan kahit hindi pa lumalabas ang kanyang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Josefa Monserate, municipal health officer, sinabi nito na Agosto 5 nang nakipaglamay ang naturang lalaki kasama ang kanyang asawa.

Kinahapunan ay tumawag ang Iloilo City Health Office sa kanya at ipinaalam na positibo ito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaagad na nagpaalam ang mag-asawa sa pamilya ng namatay ngunit hindi nag-abiso na nagpositibo siya sa COVID-19.

Mula sa bayan ng Tigbauan, sumakay sa tricycle at jeep ang lalaki pauwi.

Sa ngayon, nababahala ang Municipal Health Office ng Tigbauan dahil kailangang suriin mabuti sa contact tracing ang mga nakasalamuha ng COVID positive.