-- Advertisements --

NAGA CITY- Dead-on-the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Sitio Bungkalot, Brgy. Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alvin Higa, 28-anyos, residente ng Sitio Cruzat, Brgy. Lutucan Bata, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pasado alas-7:30 ng gabi noong Nobyembre 11, 2023 habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang bahay ng bigla na lamang dumating ang mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay naman sa motorsiklo at dito na nga pinagbabaril si Higa.

Dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, kaagad namang tumakas ang mga suspek papunta sa hindi pa malamang direksyon matapos na isagawa ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente lalo na an pag-alam sa mga pagkakakilanlan asin kinaroroonan ng mga suspek.