-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki na inaakusahang nanggahasa sa isang menor de edad kagabi sa Quezon City.

Ito ang inanunsiyo ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Remus Medina.

Ayon sa report ng Batasan Police Station (PS 6) sa pamumuno ni PLt.Col. Abraham Abayari, kinilala ang suspek na si Robert Jan Liad, 23-anyos, residente ng Masbate St., Luzviminda Village, Brgy Batasan Hills, Quezon City.

Bandang alas-8:30 ng gabi ng May 6, 2022, ng arestuhin ng mga pulis ang suspek.

Nadiskubre ang nasabing insidente matapos isuplong ng menor-de-edad na isang, 13 taong gulang, Grade 7 student, sa nakatatandang kapatid na hinalay siya ng suspek.

Ayon sa biktima niyaya siya ng suspek sa bahay nito para makipagkwentuhan.

Dito na umano inalok ng suspek ang biktima sa loob ng kuwarto at tinulak.

Sa puntong iyon ay isinagawa ng suspek ang kahalayan at masamang hangarin laban sa biktima.

Agad namang ipinagbigay alam ng nakakatandang kapatid ng biktima ang nasabing impormasyon sa mga pulis na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na positibong kinilala ng biktima na siyang salarin sa naganap na krimen.

Mahaharap ang suspek sa kasong panggagahasa sa ilalim ng R.A. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.