-- Advertisements --

Nakadetain na ngayon sa detention facility ng Talamban police station ang isang lalaking umano’y suspek sa pagpatay ng isang indibidwal noong Oktubre 30, 2022 sa Sitio Hubao, Brgy Agsungot, Cebu City.

Kinilala ang naaresto na si Jimboy Sinina Toring alyas “GANGSTER”, 29 anyos habang ang biktima ay nakilalang si Wilfredo Candol Estandarte, 36 anyos.

Positibong kinilala si Toring ng ina ni Estandarte na si Emilia Curacha.

Nasaksihan pa nito ang insidente kung saan dinaksak ng suspek ang biktima gamit ang kutsilyo na may sukat na higit o kulang 10 pulgada ang haba.

Agad inireport sa pulisya ang nasabing insidente at nagsagawa ng hot pursuit operation na humantong sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Pinuri naman ni Cebu City Police Office City Director PCol Ireneo Dalogdog ang pulisya sa mabilis na aksyong ginawa at pagkahuli ng suspek.