-- Advertisements --

Cauayan City- Mahaharap sa kasong paglabag sa Liquor Ban sa ilalim ng Enhance Community Quarantine ang ang isang lalake matapos na masamsaman ng kahon kahong nakalalasing nainumin sa Barangay Calao West.

Ang pinaghihinalaan na si Ruben Nicdao, 50 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Centro East, Poblacion, Santiago City.

Nadakip si Nicdao ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police station 2, City Investigation Bureau, City Mobile Force company.

Lumabas sa isinagawang pagsisisyasat ng mga otoridad unang nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Santiago city Police Station 2 may kaugnayan sa paghahatid umano ni Nicdao ng nakalalasing nainumin sa loob ng Lunsod sa kabila ng umiiral na Liqour Ban.

Matapos na maharang ay agad na sinuri ng mga otoridad ang lulan ng naturang pick up at narekober ang Labing limang kahon ng nakalalasing na inumin.

Napagalaman na galing sa isang bodega ng alak si nicdao at doon hinihinalang nakuha ang mga alak na nakatakda sanang ihatid sa kaniyang mga suki na residente ng Lungsod.