-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalake sa Infanta, Quezon pagkatapos na pagbabarilin ito habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Kinilala ang biktima na si Manuelito Batawan Junio, 41 anyos, residente ng Barangay Anoling, General Nakar, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakakuha ang kanilang istasyon ng tawag galing sa isang concerned citizen, kung saan nagkaroon aniya ng insidente ng pamamaril sa Infanta, Quezon.

Kaagad naman na nag-tungo ang mga awtoridad sa lokasyon upang ma-beripika ang pangyayari.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nakasakay aniya ang biktima sa motorsiklo nito papuntang Infanta nang bigla na lang itong binaril ng dalawang beses sa kanyang katawan ng suspek na nakasakay sa isang sedan.

Kaagad naman aniya na tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente patungo ng Real, Quezon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring pamamaril.