-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kay Dwight Howard dahil hindi nito kinalimutan ang kaniyang pangako noong ito ay ilipat sa nasabing koponan na tutulong para maipanalo ang mga laro.
Ito ay matapos ang naging tagumpay ng team sa Game 2 ng Western Conference Finals laban sa Denver Nuggets.
Isa kasi si Howard sa naging susi na panalo ng Lakers.
May mga itinuturo rin aniya si Howard sa ilang Lakers player gaya nina Kyle Kuzma at JaVale McGee.
Isasagawa naman ang Game 3 ng West Conference finals sa Miyerkules kung saan hawak ng Lakers ang 2-0 na kalamangan laban sa Nuggets.