
Muling uusad sa Western Conference Finals ang Los Angeles Lakers matapos nilang talunin ang NBA defending champion na Golden State Warriors, 122 – 101
Sa umpisa pa lamang ng laro ay naging aggresibo na ang Lakers para pataubin ang Warriors kung saan sa 1st half ng laro ay agad lumamang ang Lakers ng 10 big points.
Wala pa ring nagawa ang Warriors sa pagpasok ng 2nd half dahil sa mistulang hindi magmintis ang opensa ng Lakers sa likod ng depensang ipinamalas ng Warriors.
Pinangunahan pa rin ni NBA Superstar Lebron James ang opensa ng Lakers sa kanyang 30 points 9 rebounds 9 assists habang nag-ambag naman ng 23 points si Austin Reeves.
Nanguna rin si Anthony Davis para sa depensa ng Lakers sa kanyang 20 rebounds, kasama na ang 17 points.
Para sa defending champion na Warriors, nasayang lamang ang 32 points ni NBA superstar Stephen Curry, kasama ang 18 rebounds ni Kevon Looney. Naging maalat pa rin sa nasabing laro ang dalawang guard ng Warriors na sina Jordan Poole na nag ambag lamang ng 7 points, at Klay Thompson na mayroon lamang 8 points.
Ang pagkatalo ng Warriors sa Playoffs elimination ay kauna-unahan sa kasaysayan nito sa ilalim ni Steve Kerr bilang head coach. Ito rin ang kauna-unahang pagkatalo sa Playoffs ng big-3 ng Warriors, sa pamamagitan nina Curry, Thompson, at Draymond green.
Samantala, makakaharap naman ng Lakers sa Western Conference ang dati rin nilang nakaharap noong 2020 na Denver Nuggets.