-- Advertisements --

Makararamdam ng 42°C na heat index ayon sa PAG-ASA ang mga sumusunod na lugar:

-Dumangas, Iloilo
-Dagupan City
-Cavite City
-Palawan
-Camarines Sur
-Zamboanga City

Habang inaasahan namang aabot sa 43°C ang heat index na mararamdaman sa Catarman, Northern Samar.

Ang heat index ay ang temperaturang nararamdaman ng isang tao. Ito ay iba pa sa aktwal na temperatura na mayroon ang isang lugar.

Ayon sa Department of Health, maaari na raw makaranas ng heat cramps at heat exhaustion kapag ganito ang nararamdamang temperatura. Ilan sa mga sintomas ay fatigue, dizziness, headache, vomiting, at light-headedness.

Nagbabala rin ang kagawaran na ang matagal na exposure sa init ng araw ay maaaring magdulot ng heat stroke na puwedeng ikamatay ng pasyente kapag hindi naagapan.

Hinimok din ng DOH ang publiko na uminom ng maraming tubig at iwasan na muna ang iced tea, soda, kape, at alcoholic drinks.

Limitahan na rin daw ang pananatili sa labas mula alas-dyis ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon. Makatutulong din umano ang paggamit ng sumbrero, payong, sunblock, at pagsusuot ng maluluwag na damit.