-- Advertisements --
Tuluyan nang nagbitiw bilang vice chairman ng Senate committee on finance si Sen. Panfilo Lacson.
Maging ang pagiging chairman nito ng finance subcommittee C ay iniwanan na rin ng senador.
Layunin daw nitong matutukan niya ang paghimay sa 2022 national budget ng walang anumang reservation sa pagiging bahagi ng lupon na kikilatis sa taunang pondo.
Maliban dito, tututukan din daw ng mambabatas ang red flags ng Commission on Audit (COA), sa nakaraang nailabas na report.
Ilan sa mga pinagpapaliwanag ng COA ang DOH, OWWA at marami pang iba.