-- Advertisements --

Pinag-iingat ni Senator Panfilo Lacson si Armed Forces’ Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa mga binibitawan nitong pahayag na posible umanong maging dahilan upang makompromiso ang kaniyang tunay na tungkulin.

Bilang chairman ng Senate committee on national defense, sinabi ni Lacson na nakikita niyang dedicated si Parlade na gawin ang kaniyang misyon na tuldukan ang matagal nang nagaganap na insurgency o pag-aalsa sa bansa.

Subalit mali aniya ni Parlade ay masyadong pag-analye at pagsasalita sa mga issue kung saan kalimitan ay nagiging sanhi raw ito upang maapektuhan ang kaniyang misyon.

Dagdag pa ng senador, nakokopromiso ang layunin ng surveiilanbce work sa oras na malaman ng isang indibidwal na mahigpit itong minamatyagan ng mga otoridad.

Ginawa ni Lacson ang pahayag na ito matapos isiwalat ni Parlade na nasa ilalim ng kanilang surveillance si dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares at ilang miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso.

Pinaniniwalaan kasi ni Parlade na kasapi ang mga ito ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Bnigyang-diin pa ng mambabatas na nakasaad sa Anti-Terrorism Act of 2020 na tanging korte lamang ang maaaring magsabi kung ang grupo tulad ng CPP-NPA ay maituturing na terrorist organization.