-- Advertisements --

Sinuspinde muna ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng labor inspection activities ngayong Disyembre para matapos ng ahensya ang lahat ng mga pending labor standards cases at maihanda rin ang kanilang inspection program.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 269, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng kanilang regional directors na pansamantalang ihinto muna ang mga isinasagawang inspection activities sa kanikanilang mga lugar simula Disyembre 1.

Subalit exempted dito ang mga Occupational Safety and Health COVID-19 Monitoring sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 20-04A ng DOLE at DTI; ang complaint inspections; OSH standards investigations; technical safety inspections, tulad ng inspection sa mga boilers, pressure vessels, at mechanocal at electrical wiring installation; at inspection ng anumang establisiyemento o industrya na inatasan ni Bello.

Ayon sa DOLE magbabalik lamang ang lahat ng routine inspections kapag mailabas na ang 2022 General Authority for Labor Inspectors.