Nanawagan ang ilang mga labor groups sa mga mambabatas para sa agarang pasasabatas ng panukala hinggil sa paid pandemic leave.
Aabot sa 21 labor groups ang lumagda sa isang open letter na may petsang Enero 19, kung saan kanilang ipinahahayag ang kanilang suporta para sa Paid Pandemic Leave Bill (House Bill No. 7909) na inihain ng Gabriela party-list.
Iminungkahi ng mga grupo, na kinabibilangan ng Anakpawis party-list at Kilusang Mayo Uno, na habang pending pa ang naturang panukalang batas, ay dapat gamitin ng pamahalaan ang savings nito mula sa budget at “excessive” funds anila ng military at police, para gamiting pambayad sa quarantine ng mga manggagawa.
Dismayado rin ang mga grupong ito na gumastos ang pamahalaan sa supersonic missiles ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng $374 million o nasa P19 billion.
Ang pera na ito sana ay nagamit pa bilang karagdagang tulong, suporta, at bayad sa mga manggagawang apektado o tinamaan ng COVID-19.