Inaabangan na ng mga Lamiteños ang pagdating ng labi ni dating Mayor Rose Furigay sa Lamitan City, Basilan ngayong araw.
Si dating Mayor Rose Furigay ay binaril patay ng suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol sa loob mismo ng Ateneo University isang linggo na ang nakakalipas.
Sa kabila ng hindi maganda ang panahon buhos ang mga supporters at mga constituents sa pier sa may Barangay Calugusan para abangan ang pagdating ng labi ng alkalde.
Bitbit ng mga ito ang mga placards at hiling ang hustisya.
Mula sa Maynila inilipad ito kaninang madaling araw at lumapag sa Zamboanga kaninang umaga.
Ibibiyahe ang labi ng dating alkalde mula Zamboanga patungong Lamitan City.
Kahapon ang pamahalaang lokal ng Lamitan City naglagay ng itim na ribbons at bantings sa mga daanan at kalye ng siyudad upang ipakita ang ang kanilang pagluluksa.
Mahigpit ang seguridad na ipinatupad ngayon ng PNP at AFP sa siyudad ng Lamitan.
Samantala sa isang social media post ng anak ng dating alkalde na si Kelsey Rose Furigay ang kambal ni Hannah Rose na sugatan din sa nangyaring pamamaril sinabing kailanman hindi kino condone ng kanilang pamilya ang pagpatay at anumang uri karahasan.
Ayon kay Kelsey umiyak siya ng malaman ang nangyaring pagpatay kay Rolando Yumol ama ng suspek sa pagpatay sa kaniyang ina na si Dr. Chao Tiao Yumol.
Aniya walang atraso ang ama sa kanilang pamilya ang may kasalanan ay ang kaniyang anak.
Sinabi ni Kelsey ng malaman ito ng kaniyang ama agad na inatasan nito ang pulisya para imbestigahan ang insidente.
Kinumpirma din ni Kelsey na ang kanilang pamilya ay nakakatanggap ng death threats mula sa mga trolls at sympathizers ni Dr. Yumol.
Nitong Huwebes July 28, kinasuhan na sa Quezon City Prosecutors office ng 3 counts of murder, one count of frustrated murder, carnapping, illegal possesion of firearms at malicious mischief.