-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Makakatanggap ang La Trinidad Municipal Police Station ng P350,000 cash reward mula sa Palasyo kasunod sa pagkakapili bilang Best Municipal Police Station sa buong bansa.

Ayon kay Major Cleff Vencio Hepe ng La Trinidad MPS, ang cash reward ay magmumula sa personal na pondo ni Presidente Rodrigo Duterte bilang pagkilala sa mga tagumpay na programa ng nasabing police station.

Sinabi ni Vencio na magagamit ang nasabing cash reward sa pagpapatayo ng operation center ng La Trinidad MPS para sa kalamidad at COVID-19 contact tracing.

Samantala, nagpapatuloy din ang pagpapatupad nila ng kanilang best practices lalong lalo na sa pagpapanatili ng kanilang programa para sa kapayapaan at kaayusan ng nasabing bayan.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang hepe sa supurta ng mga mamamayan doon lalong lalo na sa aktibidad at programa nito.