-- Advertisements --
Nasa Singapore si PBA star LA Tenorio para simulan ang pagpapagamot ng kaniyang colon cancer.
Kinupirma ito ni Ginebra governor Alfrancis Chua ang pagtunog ng beteranong guard para simulan ang unang bahagi ng anim na buwang chemotheraphy session.
Noong nakaraang buwan ay sumailalim sa operasyon ang 38-anyos na si Tenorio.
Dahil dito ay hindi siya makakasama sa pagsisimula ng Governors Finals sa pagitan ng Ginebra at TNT sa araw ng linggo.
Magugunitan gnoong nakaraang buwan ay ibinunyag ng beteranong PBA player na na-diagnosed ito ng colon cancer.










