-- Advertisements --

Inamin ng teen actress na si Kyline Alcantara na siya ay single pero grateful pa rin umano siya dahil ngayon ay mas napapalapit daw siya sa kanyang sarili, sa Diyos, at sa mga taong malapit sa kanya. 

May payo rin si Kyline sa mga single na katulad niya. Ani Kyline, “you’re not alone in this journey.” Payo niyang mas mahalin nila ang kanilang mga sarili at hintayin na lang na may dumating na tao para magdala ng kaligayahan sa kanila.

Binigyang-diin ni Kyline na hindi kailangang magkaroon ng karelasyon para maging masaya at kumpleto ang sarili dahil kahit single raw ay dapat happy ang isang tao.