-- Advertisements --
image 284

Nahihirapan ang milyun-milyon sa patuloy na pagkawala ng kuryente sa Kyiv, at patuloy na pagbagsak ng niyebe na nagdulot ng pagyelo sa buong lugar.

Patuloy naman ang pag-aayos ng mga operator sa nasirang pasilidad at maging ang producer ng kuryente ay hindi pa rin maipagpatuloy ang nasirang kuryente ito’y matapos ang pag atake ng missile ng Russia kaya’t mas pinili na lamang nila na mag black out.

Pinangangambahan rin ng mga residente ang pag-atake na puwede maganap dahil sa air strike ng russia na pumatay sa mga sibilyan.

Hindi lang din kuryente ang nawala dahil maging ang tubig at temperatura ay iniinda rin ng mga residente sa ilang parte ng Ukraine.

-- Advertisement --

Una rito sinabi na ni Volodymyr Zelenskyy na may mga paghihigpit sa paggamit ng kuryente sa 14 sa 27 region ng Ukrain at ang mga paghihigpit na ito ay nakakaapekto sa higit sa 100,000 mga customer sa bawat isa sa mga rehiyon at kabilang sa mga apektadong rehiyon ang kabisera ng Kyiv at ang nakapaligid na rehiyon.

Inaasahan naman ng mga weather forecaster ang patuloy na pag-ulan ng niyebe sa Kyiv, ang lugar na mayroong 2.8 milyong residente bago ang digmaan.