-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mistula umanong sinisisi ng bansang Kuwait ang Iran dahil sa paglaganap ng coronavirus sa kanilang lugar.

Ito’y matapos nagdeklara ng national health agencies ang pamahalaan ng Kuwait bunsod ng naturang outbreak.

Ayon kay Teresa Navarro, isang OFW sa nasabing bansa na ang Iran umano ang dahilan bakit dumadami ang mga naitatalang kaso ng coronavirus dahil sa pagpunta ng mga Iranian nationals o mga turista na mula sa naturang bansa.

Maliban dito, hindi na rin umano lumalabas ang mga tao dahil na rin sa takot na mahawaan ng naturang sakit.

Dagdag pa ni Navarro na nakakaranas rin ng ubo at lagnat habang kinakausap ng Bombo Radyo, na muntikan na rin siyang hindi atupagin ng mga hospital personnel ngunit nakumbinsi matapos pumagitna ang kaniyang amo upang magamot ang kanyang karamdaman.

Sarado rin ang mga sikat na resorts at train stations lalo na sa Khiran.

Sa kabila ng naturang health crisis, tiniyak nito sa kaniyang mga kababayan at mga kaanak nasa ligtas pa rin silang kalagayan.