-- Advertisements --
Binuwag ng mga kapulisan ng Sri Lanka ang kampo ng mga anti-government protesters.
Pinag-aaresto ang ilang mga protesters at tinanggal ang mga tents na pinagpupuwestohan ng mga ito.
Ilang daang mga sundalo rin ang inilagay sa presidential offices sa Colombo dahil sa paglalagi ng mga protesters.
Sugatan ang siyam na mga katao matapos na makasagupa ito ng mga kapulisan.
Magugunitang maraming mga protesters ang hindi sang-ayon sa pagtalaga kay dating Prime Minister Ranil Wickremesinghe bilang pangulo dahil sa pagiging malapit nito sa lumayas na si President Gotabaya Rajapaksa .