-- Advertisements --
Emosyonal si Kris Aquino ng ihatid sa paliparan ang anak na si Bimby na pauwi sa Pilipinas.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ng larawan ang TV host-actress na kayakap ang anak.
Nais ng actress na mailayo ang anak sa stress na kaniyang naranasan habang ito ay nagpapagamot sa US dahil sa kaniyang immunodisease kaya pinauwi ang anak.
Nakita nito ang pagiging responsable ng anak dahil sa sinamahan siya nito habang ito ay nagpapagamot sa US.
HIniling ng anak na makauwi sa Pilipinas dahil sa matagal na niyang nais na makita ang mga kaanak sa bansa.