-- Advertisements --
Binigyang linaw ni Kris Aquino ang usapin ng tunay na relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Kasunod ito sa mga ibinahaging larawan ni Leviste na kasama nito sa Valentines ganun din noong kaarawan ng actress habang nagpapagamot sa America.
Ayon sa tv host/actress na isa lamang “best male friend” nito ang pulitiko.
Naging katuwang umano nito si Leviste habang nasa US at patuloy ang pagpapagamot ng immuno-disease na sakit nito.