-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $72,000 o mahigit P3.6 milyon ang kotse na iniregalo ni Prince Charles kay Princess Diana.

Ayon sa Reeman Dansie auctions na ang 1981 Ford Escort Ghia ay isang engagement gift ni Prince Charles kay Diana noong 1981 dalawang buwan bago ang kanilang kasal.

Ginamit ng dalawa ang nasabing kotse hanggang Agosto 1982.

Naibenta ang kotse kasama ang original registration number, paintwork at radio na mayroong mahigit 83,000 miles ang itinakbo base sa speedometer nito.

Galing umano ang kotse sa isang babae na matagal na humahanga kay Princess Diana na bumibili ng kaniyang kagamitan.

May nakalagay din na isang silver frog mascot sa harap ng kotse na ginaya sa regalo mula sa kapatid ni Diana na si Sarah Spencer.