-- Advertisements --
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International (NAIA) ang isang puganteng Koreano na sangkot sa economic crimes sa South Korean.
Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina ang 63-year-old suspect ay kinilalang si Chung Chan.
Sumakay ang banyaga Cebu Pacific flight mula Tokyo, Japan at lumapag sa NAIA Terminal 3.
convicted umano si Chan sa high tech at intellectual property crimes ng Seoul Central District Prosecutor’s Office sa Korea.
Napigilan ang pagpasok nito sa bansa matapos lumabas ang kanyang pangalan sa derogatory database ng BI.