-- Advertisements --

Hawak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreanong sinasabing nagtutulak sa ilang Pinay sa prostitusyon.

Ginagawa umanong bar girls ng suspek na si Suc Joo Chang alyas Seok Choi ang mga Pinay sa kanyang night club sa Mindanao.

Sinabi ni BI acting intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. na naaresto ang banyaga at 22 kababaihan na employed bilang bar girls.

Pinapasayaw umanong hubad ang mga babae onstage para sa mga customers.

Lumalabas na over staying na rin ang banyagang naaresto ng Mindanao intelligence task group (MITG) sa General Santos City, South Cotabato.