-- Advertisements --
Nagtala ng record ang Korean group na Twice.
Sila kasi ang kauna-unahang Korean group na nagwagi ng Breakthrough Award sa Billboard Women in Music Award.
Kinanta rin ng grupo ang kanta nilang “Moonlight Sunrise” sa nasabing Billboard Awards.
Sinabi ni TWICE member Chaeyoung na labis nilang ikinatuwa ang pagkakakuha nila ng award.
Ituturing nila ang award bilang motibasyon para mas lalong gumawa ng mga magagandang kanta.
Sa susunod na linggo rin ay ilalabas nila ang kanilang mini album.