-- Advertisements --
Patay ang Korean actress na si Park Soo Ryun matapos na mahulog umano sa hagdan.
Base sa imbestigasyon ng otoridad, pauwi na umano ang 29-anyos na actress ng mangyari ang insidente.
Dahil sa insidente ay nagpasya ang pamilya ng actress na idonate na lamang ang mga organs nito.
Nakilala ang actress sa creative musical na “11 Tenore” noong 2018.
Bumida rin ang actress sa ilang TV drama sa South Korea.