-- Advertisements --
Lee Min ho
Lee Min-ho/ MYM Entertainment FB photo

Nakumpleto na ni South Korean actor Lee Min-ho ang kaniyang mandatory military service.

Ayon sa kaniyang talent agency, natapos nito ang military service ngayong buwan.

Masayang inanunsiyo din nila ang mga malalaking proyekto na naghihintay sa kaniya.

Nagsimula noong May 12, 2017 ang mandatory service sa Suseo Social Welfare Center sa Gangnam District Office.

Nakilala ito sa pagganap sa mga TV drama na “City Hunter”, “Boys Over Flowers” , “Legend of the Blue Sea” at maraming iba pa.