-- Advertisements --

Tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade na maipagpapatuloy ang konstruksiyon ng P488 billion na Metro Manila subway sa papasok na administrasyon.

Ayon kay Tugade, nakasecure na ang lahat ng kontrata at pondo para sa naturang proyekto.

Karamihan aniya sa mga kontrata sa subway ay nasimualn na.

Iginiit ni Tugade na ang pondo ay naprepositioned na sa pamamagitan ng loans na napagkasunduan sa Department of Finace at ng Japanese government gayudnin ang kontrata sa right of way ay nasimulan na.

Nakatakdang simulan ayon kay Tugade ang konstruksiyon ng subway sa una o ikalwang linggo ng buwan ng Hunyo at inaasahang maging operational bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon sa Department of Transportation, ang underground railway na ito ay may habang 34 kilometro mula Valenzuela patungong Bicutan sa taguig City at sa niboy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasaya City na may 17 stasyon.

Mapapaikli din nito ang oras ng biyahe mula sa Quezon city patungong NAIA ng hanggang 35 minuto.

Sa oras na ito ay makumpleto, inaasahnag makakapagserbisyo ang naturang subway ng nasa 370,000 pasahero kada araw.